DILG Sec. Abalos, wala pang inirerekomendang papalit sa kanya sa babakantehing pwesto

Handa nang mag bitiw sa pwesto si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, kasunod ng kanyang senatorial bid sa 2025 midterm election.

Isasabay na raw kasi ni Abalos ang pag susumite ng kanyang resignation sa araw ng pag file nya ng certificate of candidacy.

Read More:  Marcos pushes waste-to-energy program as flooding exposes Philippines’ garbage problem

Mababatid na kabilang si Abalos sa senatorial line-up ng Marcos administration na inanunsyo ng Pangulo kanina.

Read More:  Entomologist Ravindra Joshi pushes biological controls to combat RSSI infestation

Sa ambush interview sa kalihim sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas Convention, sinabi nitong wala pa syang inirerekomenda kay Pangulong Marcos na magiging kapalit nya, pero may naririnig na anya syang mga pangalan, bagaman hindi pa kumpirmado.