CAMARINES NORTE- Sinimulan na sa Camarines Norte ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pay out ng Social Pension para sa first quarter ng 2022.
Nagsimula ito noong Pebrero 7 hanggang 11 sa ikalawang Distrito partikular sa San Vicente at Talisay.
Ang sunod namang schedule ay sa Pebrero 21- 22 sa San Lorenzo Ruiz at sa 23- 26 sa Mercedes.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Nicole Marie Bandojo, Social Pension Focal Person ng DSWD Provincial Field Office, inihayag nito na kung noong nakaraang taon ay kada semester ang pay out, ngayong 2022 ay gagawin na itong kada quarter.
Wala naman aniyang nagbago sa halaga ng stipend na P500 pa rin kada buwan kaya makakatanggap ng P1, 500 ang benepisyaryo kada quarter.
“Kumbaga P1, 500 na po yung makukuha nila kasi quarterly basis na po, dati po baga semestral eh ano lang P3, 000 per semester twice lang po yun per year,” ani Bandojo
“Tapos P500 pa din po kada buwan, wala pong dagdag po o panibagong amendment kasi meron pong may mga parang feedback po sa amin kung nadagdagan na po or ganyan, wala pa naman po, P500 per month pa rin po.”
Hinimok rin ni Bandojo ang mga benepisyaryo na i- claim ang kanilang stipend sa nakatakdang araw dahil mayroong financial guidelines ang ahensiya na dapat sundin at mahirap umanong magkapatong- patong ang pagproseso ng pondo.
“Dapat po makuha pa rin nila on the day ng schedule kasi mas mahirap po na parang patong patungin eh, kasi mahirap din po yung pag- process po ng pag fund po ng mga unclaimed, kaya dapat po kung sa mismong kaya gusto ko po sana na sa mismong schedule ng pay out ay pumunta po talaga, pero may chance po kami lalo na yung may mga valid reason po na nasa Manila mahirap po makauwi tapos wala pong authorized dito sa area mismo ng cam norte, pwede rin naman po yun mabigyan ng chance pero may limitation pa rin po kumbaga.”
Nadagdagan rin ngayong taon ang bilang ng benepsiyaryo ng Social Pension sa lalawigan na mula sa 28, 965 noong 2021 ay naging 30, 965 na ngayong 2022.
