Patuloy na tensyon ukol sa West Philippine Sea, hindi dapat makaapekto sa relasyon ng Naga at sister city sa China- Konsehal

NAGA CITY – Hindi dapat makaapekto ang patuloy na tensyon sa gitna ng Pilipinas at China ukol sa West Philippine Sea, sa relasyon na mayroon ang Naga at sister city na Shishi City, Fujian province maging sa iba pa sa China.

Ayon kay City Councilor, Joe Perez, Committee Chair on Tourism and the Arts sa Konseho, maliban sa in good will, at pagkakaibigan ang pinagmulan ng magandang samahan kaya nagkaroon ng sisterhood agreement, mas magandang hindi dapat mabahiran ng anumang political at intercountry issue. Suhesyon nitong mas buhayin pa ang mga future program na malayang nakakapunta o nakakapasok ang parehong Lokal na Pamahalaan lalo na’t sa tagal ng samahan walang naging problema at inaasahan na hindi magiging aktibo sa kung ano ang nangyayari sa West Philippine Sea.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Samantala, sa press briefing sa Malacañang kahapon, walang plano ang National Security Council na irekomenda sa Pangulong Bongbong Marcos, na i-convene o ipatawag na ang buong security cluster dahil ayon kay National Security Adviser, Secretary Eduardo Año, epektibong napapangasiwaan ng National Maritime Council ang Ayungin Shoal at iba pang isyu sa West Philippine Sea at nasa Pangulo din kung ipapatawag ang full Executive NSC kahit anong oras na ayon naman kay Senador Tolentino dapat i-convene na dahil sa lumalalang aksyon ng China.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business