KORONADAL CITY – INAASAHAN na ipatutupad na sa susunod na taon ang pagpapatupad ng expanded 4Ps program para sa mga buntis at nagpapasuso.
Ito ang inihayag ni Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 Regional Director Loreto Cabaya, Jr. Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Cabaya, inihayag nito nabago nagpalabas ng policy-statement si President Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr., napag-aralan na ito ng kanilang ahensya kung saan ito ay babalik pa sa kanilang departamento upang ma-align sa polisiya ang mga dapat na gawin sa mga benepisyaryo.
Ayon kay Cabaya, may malaking maitutulong ang programa para sa mga buntis sa kondisyon na ang mga ito ay nasa Listahanan 3 kung saan bago mapabilang sa programang ito, dapat ay dadaan muna sa proseso ang isang indibidwal.
Nilinaw ni Cabaya na dapat tatlo ang menor-de-edad na bata ng isang ina bago mapabilang sa programang ito.
