LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Albay Provincial Agricultural and Fishery Council sa kakatapos lamang na 1st AFC Stakeholders Summit na ipagpapatuloy nila ang mga pagsasanay at capacity-building programs para sa mga magsasaka at mangingisda sa lalawigan.
Ito ay may temang “Cultivating Collaboration for Sustainable Growth,” kung saan binigyang diin ang mga hamong kinakaharap ng mga lokal na magsasaka at mangingisda sa lalawigan pati na rin ang ilang opurtunidad na maaari nilang makuha sa nasabing summit.
Sa unang bahagi ng aktibidad, binigyang diin ni PAFC Chairperson Rene De Los Reyes, ang ilang highlights sa mga nagawa ng konseho at ang mga kasalukuyang hamon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Ayon kay De Los Reyes, ang mandato ng kanilang konseho lalo na sakanilang adviser/consultative bodies ng DA at DLGU ay magsagawa ng mga pagpupulong sa mga barangay sa Albay.
Sila rin umano ang naatasan para mas pabilisin pa ang implementasyon ng mga bakuna sa mga brgy. lalo na sa mga residenteng nasa loob ng sektor ng pagsasaka at pangisdaan dahil kailangan umano ng mga ito ng dagdag na proteksyon at mas palakasin pa ang kanilang kalusugan.