Patrol vehicles sa lahat ng barangay sa So.Cot, pinasiguro ni Gov. Tamayo

KORONADAL CITY – PAGSISIKAPAN ng provincial government ng South Cotabato na mabigyan ng barangay patrol vehicle ang lahat ng 199 barangays sa lalawigan.

Inihayag ni Governor Reynaldo Tamayo Jr na may paparating pa na mga sasakyan para sa mga barangay na hindi pa nabibigyan ng barangay vehicle.

Read More:  15-year-old arrested in Cebu Buy-Bust with suspected shabu

Ayon sa gobernador na lahat ay makakatanggap nito anuman ang political affliation ng mga barangay kapitan dahil ito ay para naman sa benepisyo ng mga mamamayan. Ang mga barangay patrol vehicles ay inaasahang makatutulong upang mapabilis ang delivery ng basic services sa mga barangay.

Read More:  15-year-old drowns while searching for lost cellphone for P1,000 reward in Cebu