BFP, Red Cross sa So.Cot nakatanggap ng bagong ambulansya

KORONADAL CITY – NAKATANGGAP ng bagong ambulansya ang Philippine Red Cross (PRC) at Bureau of Fire Protection (BFP) mula sa Provincial Government ng South Cotabato.

Ang turn-over ng dalawang brand new ambulances ay pinangunahan ni Governor Reynaldo Tamayo Jr at iba pang opisyal ng probinsya. Inihayag ni Governor Tamayo na ito ay isang pasasalamat sa hindi mapapantayang serbisyo at tulong ng BFP at Red Cross sa pagresponde sa mga nangangailangan lalo na sa panahon ng kalamidad at emerhensya.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline
Read More:  14-year-old student found with .357 Magnum inside Cebu school

Hinihikayat naman ng gobernador ang lahat na kung maaari ay mag-donate ng dugo sa Red Cross upang magkaroon ng sapat na supply ng dugo.