Patrol car ng pulisya nabangga ng bus sa Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nabangga ng bus ang patrol car ng Del Gallego PNP sa Camarines Sur.

Sinabi sa Brigada news FM Naga ni PMAJ. Chester Enriquez nangyari ito sa gitna ng pagbibigay nila ng seguridad sa parada sa Barangay Sinuknipan kaugnay ng founding anniversary ng bayan at ng isang fraternity bandang alas 8:55 ng umaga nitong Miyerkules Oct. 4, 2023.

Nag-u-u-turn ang patrol car na nimamaneho ni  PCpl. Arjey Pasiga , 29 years old sakay ang tatlong iba pang pulis,  nabangga ang kaliwang parte ng mobile ng bus na dala ni  Gerry Renomeron , 44- anyos ng Leyte patungong Maynila.

Sa imbestigasyon ng pulisya nag overtake ang bus sa parada , mabilis ang takbo at nahagip ang patrol car.  Ayon sa PNP nag signal light naman ang kanilang sasakyan bago lumiko.

Nasugatan ang mga sakay ng patrol car , ngayon ay nasa maayos nang kalagayan. Nadamay naman ang nakaparadang tricycle. Walang pahayag sa pulisya ang driver ng bus. Inihahanda na ang kaso laban dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *