DTI, umapela sa mga manufacturers ng mga pangunahing bilihin na huwag muna magtaas presyo

Umaapela ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga manufacturers ng mga pangunahing bilihin na huwag munang magpatupad ng taas presyo.

Nakatakda na ngang makipagpulong ang DTI sa manufacturers ng mga delatang sardinas para sa kanilang panawagan.

Una rito, kinumprima na ng ilang mga kompanya ng bottled water, kandila, condiments, tinapay at mga sabon na iaatras muna kanilang pagpapataw ang dagdag presyo hanggang matapos ang taon.

Ayon sa kay DTI Consumer Protection and Advocacy Bureau director Marcus Valdez II, nais nilang matiyak na walang pagtaas sa halaga ng mga bilihin hanggang sa huling buwan ng taong kasalukuyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *