Patong-patong na mga kaso laban sa 10 suspek sa Yvonette Plaza slay, naihain na

Naihain na ang murder, obstruction of justice, at theft complaints laban sa 10 mga suspek sa pagpatay noong December 2022 sa negosyante at modeling si Yvonette Plaza sa Davao City.

Nabatid na tanging walo sa mga respondents, na karamiha’y mgasundalo ang nakilala sa kanilang pangalan kabilang na si dating Presidential Security Group (PSG) commander Brig. Gen. Jesus P. Durante, na ngayon ay head ng 1001st Infantry Brigade.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Ang dalawa namang mga ‘John Does’ ay kinilala lamang bilang sina “Junior” at “Master Sergeant.

Ayon kay Ayon kay PRO-11 spokesperson Police Major Eudisan Gultiano, na apat sa mga suspek na sina Staff Sergeant Gilbert Plaza, Sergeant Delfin Sialsa Jr, Corporal Adrian Cachero, at Noel Japitan ay una nang sumuko sa mga otoridad.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Si Sialsa, na kinasuhan ng murder at theft ay gumawa ng extrajudicial confession na siya umano ang gunman na bumaril sa biktima, habang si Cachero na may kaparehong kaso, ay umaming driver ng motorsiklo na ginamit bilang getaway vehicle.

Samantala, sa ngayon, nananatili tikom ang bibig ni Durante hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa naturang kaso.