Libreng binhi hangad din ng mga nakikisaka sa Naga City

NAGA CITY-Problema pa rin para sa Barangay Panicuason, Naga City ang mga napinsalang mga pananim dulot nitong nagdaang pag-uulan na naranasan sa lungsod.

Kasama sa mga problemado ang mga nakikisaka sa lungsod.

Sa naging pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Punong Barangay Domingo Ramos sinabi nitong may mga na-ayudahan na  subalit paano na lamang ang mga nangungupahan lamang. Ang City Agriculture Office ay wala naman aniyang programa kung paano ang sistema ng pagbibigay ayuda para sa mga hindi lamang sa kanila ang lupa.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Kaya naman naging panawagan at kahilingan nila na sana maging sila mabigyan rin ng libreng binhi, abono at iba pa.

Ayon naman sa Department of Agriculture Bicol ang mga nais humingi ng tulong ay tumungo lamang sa agriculture office.