Natagpuan ng mga mangingisda sa baybayin ng Barangay Linao, Appari, Cagayan ang isang patay na beach Dolphin.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Reources Region 2, agad na ipinagbigay alam ng mga mangingisda at isang pulis ang natagpuang beach dolphin sa kapitan ng nasabing barangay, PCG, BFAR-FPLEG at LGU-Aparri para sa tamang disposal nito.
Ang labi ng nasabing dolphin ay agad na idinala sa Barangay Hall upang masuri ng mga beterinaryo ng Appari.
Napag-alaman na ito ay isang Risso’s Dolphin na may timbang na 150-200 kilograms at habang 2.72 meters.
Wala namang itong nakitang senyales ng physical injury na sanhi ng tao maliban sa cookie cutter shark bites at sugat sa iba’t ibang parte ng katawan nito.
Habang sa isinagawang internal examination sa mga organ nito ay nakita ang floamy liquid sa baga nito na patunay na pinasukan ng tubig.
Dahil dito ay nagsagawa si Dr. Soriano ng short briefing sa mga PCG at Barangay Official ng tamang pagresponde sa live stranding incidents at importansya ng batas na prumoprotekta sa marin mammals.