MOA para sa GIP assistance, pirmado na ng DOLE RO2 at COMELEC

Pirmado na ng DOLE Regional Field Office 2 at Commission on Election Region 2 ang Memorandum of Agreement para sa probisyon ng Government Internship Program (GIP) interns.

Ayon sa DOLE RO2, GIP ay magbibigay ng tulong sa COMELEC para sa mga administrative concern na kinakailangang tugunan para sa pagsasagawa ng ligtas at maayos na 2022 National and Local Elections.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Babantayan naman ng ahensya ang implementasyon ng nasabing programa sa bawa Comelec offices sa rehiyon maging ang sahod ng mga GIP Intern na alinsunid sa regional minimum wage.

Ang COMELEC Region 2 naman magbibigay ng trabaho sa mga intern alinsunod sa Section 7 ng DOLE Department Order No. 204, Series of 2019 maging ang pagpasa ng attendance sheet, DTR, accomplishment report, at iba pang dokumento na magiging basehan sa sahod ng mga intern.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Magsisimula na ang serbisyo ng mga GIP Intern sa April 1, 2022 kung saan magtatagal ito ng tatlong buwan.