Pastor na Grab driver – nagsauli ng pera at ATM cards ng pasaherong Vietnamese

Kinilala ng Valenzuela City Police Station ang katapatan ng isang Grab driver na nagsauli ng naiwang pera at ATM cards sa kaniyang sasakyan.

Si John Ryan Reyes – isang pastor at grab driver, ay personal na nagtungo sa istasyon ng pulis para i-surrender ang mga ito.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Kuwento niya, na-pick-up niya ang pasahero niyang Vietnamese sa Buendia, at ibinaba sa Caloocan City.

Naiwan umano ng pasahero ang kaniyang cardholder na naglalaman ng pera, IDs, at mga ATM cards.

Read More:  DENR monitors poor water quality near Navotas Landfill

Sinubukan pa niya itong contact-in, pero nabigo siya.

Imbis na itago – isinurrender na lang niya ito sa mga pulis.