KORONADAL CITY – MAHIGPIT padin ngayon na pinapatupad ang, “No Helmet, No Travel Policy” sa Koronadal City. Ito ang inihayag ni PLt. Col. Hoover Tapang Antonio, hepe ng Koronadal City PNP.
Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Antonio, inihayag nito na isang national policy ang kautusang ito kung saan pinapatupad ito sa buong bansa upang mabigyang seguridad at mailigtas sa malalang sitwasyon ang mga driver na ma-involved sa aksidente.
Layunin nito na masiguro ang kaligtasan ng nagmamaneho ng motorsiklo kung saan nilinaw ng opisyal na walang ibang layuning ang polisiyang ito, maipabayo lamang ang safety-road-policy sa mga daan.
Nabatid na dahil sa kautusang ito, nabawasan ang bilang ng mga namamatay sa mga aksidente dahil sa pagsusuot ng helmet sa oras ng byahe.
