Pasilidad ng mga ni-raid na POGO – pwede umanong gawing opisina ng mga government agencies

Pwedeng gawing pasilidad para sa mga government agencies ang mga ni-raid at forfeited na mga buildings ng mga POGO.

Ayon kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz, hindi bababa sa 5 na-raid na POGO hubs ang kasalukuyang sumasailalim sa civil at criminal forfeiture.

Read More:  House eyes higher DepEd Budget for 2027 school security after Ateneo de Zamboanga shooting

Aniya, ang pinorfeit (forfeit) na POGO sa Pasay ay ginagamit na ng DSWD para sa mga na-rescue na mga biktima.

Ginawa na rin umano itong kulungan ng mga nahuhuli sa POGO dahil kulang Bureau of Immigration sa kanilang mga kulungan.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Binigyang-diin din nito na ang POGO sa Porac, Pampanga ay maaaring gawing paaralan.

Sa huli, sinabi ni Cruz na 402 pang mga ilegal na POGO ang kanilang hahabulin.