Natuklasang ‘200 falsified birth certificate’ sa Davao City, paiimbestigahan sa Senado

Hindi sinasarado ni Senador Win Gatchalian ang posibilidad na sinasalamin ng 200 na falsified documents sa Davao City ang kaparehong sitwasyong nangyari kay Alice Leal Guo o a.k.a. Guo Hua Ping.

Alinsunod nito, inamin ni Gatchalian na tunay siyang nababahala rito kung kaya’t nais niyang paimbestigahan ito sa Senado.

Read More:  Palace urges Senator Bato to face ICC process

Matatandaan, lumabas ang isyu tungkol sa mga dokumentong ito nang maaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) regional office ang isang Chinese national na nagprisenta ng hindi totoong birth certificate na kanyang nakuha noong 2013.

Read More:  ICC eyes November 2026 trial for Duterte case

Ayon sa senador, dahil sa Santa Cruz, Davao City ito nangyari ay posibleng mayroong sindikato sa loob ng Philippine Statistics Authority (PSA) o di kaya sa mismong naturang lugar na nag-aayos ng ganoong dokumento.