Cong. Rodante Marcoleta, naniniwalang inililihis ng Comelec ang isyu hinggil sa umano’y 49 offshore accounts

Iginiit ni SAGIP Party List Representative Rodante Marcoleta na mali namang tawagin na isang demolisyon ang pagsiwalat nila ng mga impormasyon hinggil sa umano’y 49 offshore accounts ng isang Comelec official, at sa pakikinabang din nito sa pagpasok ng Commission on Elections sa kontrata kasama ang Miru System.

Ito ay matapos sabihin ni Comelec Chairman George Garcia na demolition job laban sa kanilang ahensya ang ginagawa ng mambabatas.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Marcoleta, sinabi nitong bakit magkakaroon ng demolisyon gayung ang hinahangad lang naman nila ay malinis na eleksyon.

Kaunay nito, naniniwala ang kongresista na inililihis ni Garcia ang usapin na kumekwestyon sa kakayahan ng Miru System ng South Korea.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Sa huli, sinabi ni Marcoleta na binabalangkas na niya ngayon ang resolusyon para sa imbestigasyon sa isyu.

Hinihintay niya na lamang daw ang pag-verify sa ilan pang impormasyon bago ito ihain sa lalong madaling panahon.