NAGA CITY –Nasasangkot sa mga gulo sa kalye, nag susuntukan, naghahabulan at minsan may mga dala pang patalim , “pashpash” kung tawagin ng maraming taga Naga. Ito ay babantayan lalo pa’t paparating na ang Peñafrancia Festival.
Ang problemang ito ng mga pasaway na mga kabataan ang nararanasan ng mga barangay na nasa sentro o kaya nasa central business district, kabilang na ng Barangay Triangulo.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Triangulo Punong Barangay Allan Beriso, sinabi nito na may ugnayan na silang ginawa ng mga personahe ng Police Station 5 na siyang nakakasakop sa kanilang lugar.
May mga pulis na anyang nakikita sa mga lugar nila na paboritong tambayan ng mga mga “pashpash”.
Tuloy din ang pagpatupad nila ng curfew para mabawasan ang mga tambay sa mga alanganing oras. Sa Barangay Triangulo, posibleng isa sa lagyan ng karnabal kaya tiyak na dadagsa ang mga kabataan.