Pasang Masda, bukas na tanggapin ang mga drivers na hindi pa nakapagpa-consolidate

Maaaring sumapi sa transport group na Pasang Masda ang mga drivers at operators na hindi makapagko-consolidate sa PUV Modernization Program.

Ayon kay Pasang Masda National President Robert Martin, nakahanda silang tanggapin ang mga madi-displace na mga tsuper upang hindi mawalan ang mga ito ng hanapbuhay.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada calls DOJ plunder recommendation ‘unjust’

Mababatid na sa datos na hawak ng Land Transportation Franschising and Regulatory Board (LTFRB), wala pang nagko-consolidate sa higit 300 ruta pa sa buong Metro Manila.

Read More:  Sen. Pia Cayetano moves on after viral Senate emotional speech

Maliban dito ay maraming mga PUV drivers at operators din sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ang hindi pa nakakapag-comply sa naturang modernisasyon.