Sinuspinde na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang dalawang airport police na nasangkot sa komprontasyon sa mga tauhan ng MMDA matapos silang mahuli sa ilegal na pagdaan sa EDSA Bus Carousel Lane kahapon.
Ipinag-utos ni MIAA General Manager Eric Ines ang agarang suspensiyon kina APO2 Raymond Anuran at APO1 Michael Lilis.
Ikinahihiya ito ni Ines at sinabing hindi nila matitiis ang ganitong uri ng pang-aabuso.
Nahuli ang mga airport police na dumaan sa northbound lane ng EDSA Busway at sinalubong sila ng isang MMDA traffic enforcer.
Tumanggi ang driver na ipakita ang kanyang lisensya sa pagmamaneho, ngunit nang subukan ng MMDA enforcer na kunan ng video ang driver, tinangka ng lalaki na agawin ang telepono.