SORSOGON CITY – Kapwa inaresto ng mga pulis, sa pamamagitan ng warrantless arrest, ang tricycle driver at kanyang pasahero gabi noong Linggo, Nobyembre 21 sa Brgy Pangpang sa lungsod ng Sorsogon.
Sa ulat na nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon, nagsagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng SWAT team sa harapan ng Sorsogon City Police Station sa Brgy Pangpang at na-flagged down nila ang isang tricycle galing sa Brgy Capuy at papuntang bayan ng Casiguran.
Ang tricycle ay minamaneho ni John Paul Socatre Dogillo, 22-anyos, binata habang ang pasahero ay nakilalang si Joseph Guevarra Oplida, 34-anyos, may asawa parehong residente ng Brgy Trece Martirez, Casiguran, Sorsogon.
Hiningan umano ng kanyang lisensya ang driver subalit ang ibinigay ay kanya lamang LTO driver’s license at walang OR/CR, sa puntong ito ay nakita ng isang pulis na may inilagay sa kanyang likuran ang pasaherong si Oplida.
Nang makita na isa itong sling bag ay pinabuksan ito ng pulis at tumambad ang isang kalibre 38 na revolver na kargado ng limang bala.
Nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition at RA 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code.
Sa update na nakuha ng Brigada News, ang mga akusado ay na-inquest na kaninang umaga sa piskalya.
PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon

