NAGA CITY –Ang sobrang init ng panahon na nararanasan ngayon ay magdudulot ng mga sakit sa mga alagang aso tulad na lamang nitong parvo virus infection, isang nakakahawa at nakakamatay na sakit ng aso na umaatake pag ganito ang temperatura, lalo na iyong mga mahihina ang resestensiya at napapabayaan ng may-ari.
Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm Naga kay Josielyn Niangar Admin Aide 1 ng City Veterinary Office, nabanggit nito na may mangilan-ngilan na rin silang naitalang kaso sa lungsod at ang nakakalungkot ay dinadala ito sa klinika nila nasa dying stage na ang aso, kaya diretsong namamatay.
Abiso niya sa mga pet dog owners,na para maiwas sa parvo virus infection ang mga aso,ay kailangan na palagi itong malinis,at regular ang pagpapakain nito para hindi magutom at magkasakit.