CAMARINES SUR- Maganda ang supply ng palay at inaasahang mas tataas pa ngayong Marso at Abril, maganda rin ang kalidad nito ayon sa Department of Agriculture (DA)- Bicol.
Sinabi sa Brigada News FM Naga ni DA Spokesperson Love Guarin, noong mga nagdaang taon madalas ang pag-ulan sa unang kuwarter pa lamang kaya naapektuhan ang kalidad at produksyon kumpara ngayong 2024. Dagdag nito nanatili sa P27.00 ang farm gate price sa mga pribadong traders.
Kung babalikan maagang naghanda ang DA kasama ang National Irrigation Administration (NIA) at mga Municipal Agriculture Offices (MAOs) sa posibleng epekto ng El Niño Phenomenon nang sagayun ay hindi gaano maapektohan ang produksyon ng palay sa lalawigan.