Sunog, sumiklab sa Gumaca, Quezon; Ilang kabahayan, natupok

Isang sunog ang sumiklab sa Barangay San Vicente, Gumaca, Quezon nitong Martes, Marso 5.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sa electrical wiring umano nag-umpisa ang sunog na tumupok sa tahanan ni alyas “Nestor” na gawa umano sa light materials.

Read More:  DepEd assures psychosocial support after Ateneo de Zamboanga shooting

Kumalat ang nasabing sunog sa dalawa pang bahay at puminsala ng aabot sa halagang ₱220,000.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Naideklarang fireout bandang ala-1:20 ng hapon habang wala namang nasaktan o nasawi sa insidente.

Samantala, nagpaabot naman ng tulong si Governor Doktora Helen Tan sa mga pamilya na nabiktima ng sunog.