Pagbabakuna ng booster shots sa Bicol region, bumagal sa National Vaccination Day IV – DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Aminado ang Department of Health (DOH) Bicol na naging mabagal ang pagbabakuna ng booster shots sa ikaapat na bahagi ng National Vaccination Day sa rehiyong Bicol.

Dahil dito, pinalawig ang pagbabakuna ng isang linggo kung saan magtatapos ito sa darating na Biyernes.

Ayon kay DOH Bicol COVID-19 Vaccination Program Coordinator Dr. Monrey Isaiah Mancilla, mabagal ang pagbabakuna sa nasabing rehiyon ng booster shots dahil marami na ang ayaw magpabakuna at marami rin ang nagsasabing hindi na umano kailangan ang nasabing bakuna.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Aniya, sinasabi ng medical professionals na mahalaga pa rin na makatanggap ng booster shots upang mapataas ang lebel ng bakuna sa katawan ng tao.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa oras na walang bakuna o booster shot, maaaring bumaba ang lebel ng proteksyon ng katawan laban sa COVID-19.

Base sa tala ng tanggapan, nasa 35% ang kanilang nai-record ng pagbabakuna sa loob lamang ng tatlong araw, ngunit nang ito ay pinalawig ay pumalo sa 42% ang record sa rehiyon.