Opisyal nang nagsimula ang Paris Olympics sa Seine river, kung saan isa-isang iwinagayway ng mga kalahok ang watawat ng kani-kanilang bansa sa Parade of Nations.
Hindi alintana ang ulan sa delegasyon ng Pilipinas dahil all-smiles nilang kinawayan ang buong mundo sa opening ceremony habang suot-suot ang barong na idinesenyo ni Francis Libiran.
Pinangunahan ng mga boksingerong na sina Nesthy Petecio at Carlo Paalam ang delegasyon sa habang tangan-tangan nila ang watawat ng Pilipinas.
Kasama ng Pilipinas sa barko ang mga delegasyon ng Poland at Puerto Rico.
Nagsimula na ang kompetisyon noong Miyerkules at ang una sa 329 na gintong medalya ay igagawad sa Sabado.