Manila Bay, maaring lubos na maapektuhan sa posibleng oil spill matapos ang paglubog ng isang tanker sa Bataan

Naglabas ng mapa ang Philippine Space Agency na nagpapakita ng lawak ng posibleng oil spill sa Manila Bay kasunod ng paglubog ng isang tanker sa Bataan na may dalang milyun-milyong litro ng langis.

Maaaring umabot ang posibleng oil spill sa area na humigit-kumulang 14.4 square kilometers.

Read More:  VP Sara Duterte camp slams Ramil Madriaga as liar in perjury case

Nilinaw naman ng ahensya na sumasailalim pa rin sa field validation ang kanilang mapa.

Inatasan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) na magsagawa ng joint investigation sa paglubog ng MT Terra Nova, na may dala ng mahigit 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil.

Read More:  Defensor links VP Sara survey drop to impeachment silence

Babala ng PCG, maaring ito na ang pinakamalaking oil spill sa kasaysayan ng Pilipinas.