Pari naghain ng kandidatura bilang konsehal sa Bacacay, Albay

LEGAZPI- Usap-usapan ngayon ang isang Catholic Priest na mulang bayan ng Bacacay Albay ang naghain ng kanyang kandidatura sa Coelec para tumakbo bilang Municipal Kagawad sa nasabing bayan.

Si Father Emmanuel Chavez Alparce ng Diocese of Sorsogon ang 21 taon ng naninilbihan sa simbahan bilang pari bago man nagdesisyon na pumasok sa politika.

Samantalang ayon naman kay Father Rex Arjona, spokesperson ng Diocese of Legazpi, wala naman umanong masama sa pagtakbo ng isang pari sa politika ngunit mayroong polisiya na sinusunod ang simbahan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon umano sa Code of Canon Law, partikular na sa section 285, nakasaad dito ang pagbabawal sa mga pari na pumasok sa pulitika, at maging aktibo sa mga pulitikal na gawain.

Ayon pa kay Arjona, kailangan din mamili ang pari ng isa lamang sa kadahilanan na hindi pwedeng maapektuhan nito ang gampanin.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Mawawalan din umano ito ng kapasidad sa mga ministrial activities tulad ng pagsasagawa ng misa kahit matagal na ito sa serbisyo.

Samanatalang hindi naman umano masama ang pagpasok sa politika ng isang pari dahil sa Bicol Region marami na rin umano ang sumasabak sa ibat ibang position tuwing eleksyon.