BICOL—Pumalo na sa 39,234 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos magtala ng 272 na panibagong kaso.
Pinakamaraming bagong kaso ang nadagdag sa Camarines Sur na umabot sa 79 kung saan 23 nito ay mula sa Naga City, walo sa Cabusao, tigpito ang Libmanan at Sipocot, lima sa Iriga City, apat sa Pili, tigtatlo ang Calabanga at Pasacao, tigdadalawa ang Baao, Bato, Buhi, Bula, Camaligan at Nabua at tig-iisa ang Balatan, Del Gallego, Lupi, Milaor, Minalabac, Ragay at San Fernando.
63 ang bagong kaso sa Albay kung saan 12 nito ay mula sa Libon, siyam sa Guinobatan, walo sa Tiwi, pito sa Jovellar, tig-anim ang Daraga at Legazpi City, tig-apat ang Camalig at Rapu-Rapu, dalawa sa Malinao at tig-iisa ang Bacacay, Manito, Oas, Pio Duran at Tabaco City.
57 ang bagong kaso sa Camarines Norte kung saan 16 nito ay mula sa Daet, 12 sa Talisay, anim sa Basud, tig-aapat ang Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Vinzons, tigtatlo ang Labo at Paracale at isa sa Mercedes.
Ang Catanduanes ay may 43 na bagong kaso kung saan 18 nito ay mula sa Caramoran, 14 sa Virac, lima sa San Andres, tatlo sa Pandan at tig-iisa ang Baras, Bato at San Miguel.
Ang Sorsogon ay may 30 bagong kaso kung saan 17 nito ay mula sa Sorsogon City, tigtatlo ang Castilla at Juban, dalawa sa Pilar at tig-iisa ang Bulan, Donsol, Gubat, Matnog at Prieto Diaz habang zero new case naman ang islang lalawigan ng Masbate.
Samantala, pumalo na sa 24, 952 ang totale recoveries matapos na magtala ng 120 na panibagong gumaling kung saan tig-21 nito ang Catanduanes at Sorsogon, 20 sa Camarines Sur, tig-19 ang Camarines Norte, Masbate at Naga City at isa naman na mula sa labas ng rehiyon.
Sumampa na rin sa 1, 170 ang death toll matapos magtala ng siyam na panibagong nasawi kung saan lima nito ay mula sa Camarines Sur, dalawa sa Sorsogon at tig-isa ang Camarines Norte at Naga City.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm