BNFM BICOL—Nanawagan sa publiko si Dr. Jose Manuel Rañola III – Infectious Disease Specialist at head ng COVID-19 ward sa Bicol Medical Center, na magpabakuna na ng booster shots ang mga indibidwal na kwalipikado nang tumanggap nito.
Ayon sa espesyalista, mahalagang bagay aniya na mabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang isang tao, ngunit binigyang diin nito na habang tumatagal ang panahon, humihina rin ang epekto ng dalawang dose ng bakuna batay na rin aniya sa pananaliksik ng mga eksperto.
Dahil dito, mahalaga aniyang magpaturok ng booster shots ang isang indbidwal, upang mapanatili at madagdagan ang proteksyon laban sa COVID-19.
Sa huli, pinayuhan din ng doktor ang mga hindi pa rin bakunadong senior citizens sa Bicol na huwag na ring mag alinlangan at matakot na tumanggap ng COVID-19 vaccine dahil makakatulong aniya ito upang ilayo sila sa pagkakaroon ng severe o critical condition kapag nahawaan ng virus.###