PAPA Gadon, pinasisibak ng isang kongresista dahil sa pahayag ukol sa kahirapan

Hinamon ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas si Pangulong Bongbong Marcos na tanggalin na sa puwesto si Presidential Anti-Poverty Adviser Larry Gadon.

Kasunod ito ng kontrobersyal na pahayag ni Gadon na “haka-haka” lamang ang kahirapan sa kasalukuyan.

Ayon kay Brosas, anti-poor at insensitive ang pahayag ni Gadon.

Ipinaalala nito sa opisyal na hindi kathang-isip ang patuloy na pagsipa ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Sa katunayan, ramdan na ramdam aniya ng mahihirap ang taas-singil sa kuryente at tubig pati na sa pagkain kaya ang totoong imahinasyon ay ang sinasabi ng gobyerno na magkakaroon ng “Bagong Pilipinas”.

Patunay din umano ang pahayag ni Gadon ng pagiging incompetent nito at lumabas ang kawalan ng “track record” sa poverty alleviation kaya mainam na sibakin na ito bilang anti-poverty czar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *