OCTA: Trust, Performance ratings ng UniTeam – bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang trust at performace ratings nina Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa unang quarter ng taon.

Batay sa resulta ng OCTA Research survey, 69% ng mga Pilipino ang nagpapakita ng tiwala sa pangulo.

Mas mababa ito ng 6% kumpara sa trust rating na nakuha nito noong December 2023.

Sixty-five percent naman ng mga Pilipino ang kumpyansa pa rin sa performance ng presidente – mas mababa rin ng 6% kaysa sa nagdaang datos.

Samantala, karamihan o 68% naman ng mga Filipino adult ang nagpapatuloy na magtiwala kay VP Duterte.

Bahagyang bumaba rin ito ng 9% noong December 2023.

Pagdating naman sa performance ng bise presidente, 64% ang nagsabing aprub sa kanila ang ginagaw ni Duterte – mas mababa rin ng 11% mula sa datos noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *