PAPA Gadon – nanindigang wala siyang sinabing ‘haka-haka’ lang ang kahirapan

Pinasinungalingan ni Presidential Adviser on Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon ang umano’y naging pahayag niyang imagination o haka-haka lang ang kahirapan sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Gadon, sinabi nitong sa katunayan ay gumagawa pa siya ng mga hakbang upang tugunan ang kahirapan.

Read More:  PDEA links Ex-BARMM member Sultan Edrieza Rimbang to Laos drug bust

Sabi niya, mali raw ang ibinalita ng isang reporter ng isang network.

Diin pa ni Gadon – ‘di naman siya na-interview ng reporter na ito

Giit ni Gadon, ipinaliliwanag niya pa nga sa kaniyang mga pahayag ang lebel ng kahirapan sa Pilipinas.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Napag-alaman umano nila na mataas ang purchasing power ng tao, pero totoo pa ring may mga mahihirap na mga Pilipino.

Sa huli, tiniyak naman ng opisyal na hindi pinababayaan ng gobyerno ang mga mahihirap.