Sibak sa pwesto ang limang pulis mula sa Parang Municipal Police Station sa Maguindanao del Norte makaraang matakasan ng 5 inmates sa kanilang detention cell noong May 18 ng madaling araw.
Sa pakikipag ugnayan ng Brigada News FM Manila kay Parang MPS Chief of Police, LT Col. Erwin Tabora, nakatakas ang 5 gamit ang lagare at sinira ang center lock ng detention cell.
Ang lagare ay dinala raw ng dalaw ng isang inmate.
Tila hindi raw napansin ng mga duty pulis ang mga bilanggo dahil malakas umano ang ulan noong oras na iyon.
Kasalukuyang nasa holding Unit ng Maguindanao del Norte Police Provincial Office ang mga pulis habang sumasailalim sa imbestigasyon.
Samantala, patuloy pang hinahanap ang isa pang inmate makaraang maaresto ang unang apat na tumakas.
Ayon kay Lt. Col Tabora , ito’y may kasong murder.
Si Tabora ay kaka assume lang bilang COP ng Parang MPS matapos ang nangyaring pagpuga ng 5.
Pinalitan niya sa pwesto si PLtCol. Christopher Cabugwang.