DFA, isusumite sa Kamara ang delegasyon na kasama ni ex-PRRD sa pagbisita nito sa China noong 2016

Handang isumite ng Department of Foreign Affairs sa Kamara ang listahan ng mga personalidad na kasama sa delegasyon ni noo’y Pangulong Rodrigo Duterte nang bumisita ito sa China taong 2016.

Sa panahong ito itinuturo ng Chinese Embassy na naganap umano ang gentleman’s agreement sa pagitan nina Duterte at President Xi Jinping patungkol sa Ayungin Shoal at sa BRP Sierra Madre.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kaya sa pagdinig ng House Committee on National Defense and Security at Special Committee on the West Philippine Sea ay pinasusumite ni Deputy Minority Leader France Castro sa DFA ang pangalan ng mga sumama sa delegasyon upang humarap sa imbestigasyon.

Binigyang-diin din ng National Security Council na hindi kasama sa naturang delegasyon ang ngayo’y Security Adviser na si Eduardo Ano dahil noong 2016 ay commanding general pa ito ng Philippine Army.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa isang pulong balitaan naman ay tahasang iginiit ni House Assistant Majority Leader at Taguig Representative Pammy Zamora na dapat ikulong ang mga indibidwal na mapatutunayang sangkot sa umano’y “gentleman’s agreement”.

Giit ni Zamora, kailangang panagutin ang mga personalidad na iniuugnay sa kasunduan dahil malinaw na may karapatan ang Pilipinas sa territorial waters at umiiral din ang freedom of navigation sa WPS.