Pagdedeklara ng national state of agricultural emergency, posibleng maabuso – solon

Nagbabala si Senador Win Gatchalian na maaaring maabuso ang iminumungkahi ng ilang mambabatas na magdeklara na ito ng ‘state of agricultural emergency’.

Tugon ito ng Senador sa suhestyon ni AGAP party-list Rep. Nicanor Briones na isailalim ni Pangulong Bongbong Marcos ang bansa sa ‘state of economic emergency’ para matulungan ang mga agricultural sector lalo na ‘yung mga maaapektuhan ng African swine fever, bird flu, ‘o ‘di kaya’y mga mawawasak na panananim dahil sa mga natural disaster.

Read More:  NBI names Sen. Padilla person of interest in Sen. Bato search

Ayon kay Gatchalian, kinakailangan na muna itong pag-aralang mabuti.

Sa oras kasi na isailalim sa emergency state ang bansa, wala nang bidding bidding pa sa mga gagamiting pondo ng gobyerno.

Ikinatatakot ng mambabatas na baka magdulot lamang ito ng mas malalang problema lalo na’t wala nang check and balance.

Read More:  Cayetano warns of ‘sabotage’ in impeachment process ahead of 2028 elections

Maliban sa suhestyon ng AGAP party-list lawmaker, sinuportahan din ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated ang pagdedeklara ng state of emergency para maibsan ang epekto ng pinangangambahang krisis sa pagkain.

Ayon kay PCAFI Danilo Fausto, makatutulong ang deklarasyon na ito para magkaroon ng pondo para sa pagpapabilis ng agricultural production.
#