Panukalang itaas sa P1,000 ang pensyon ng mga indigent senior citizens, nag-lapse into law

Ganap nang isang batas ang panukala na doblehin o itaas sa P1,000 piso ang buwanang pensyon ng mga indigent senior citizens sa bansa.

Ibinahagi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang kopya ng kasulatan na may pirma ni Executive Secretary Victor Rodriguez kung saan ipinagbibigay alam kay Senate President Juan Miguel Zubiri na nag-lapse into law na ang naturang panukala.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Bukod sa pagtaas ng buwanang social pension para sa mga mahihirap na senior citizen, ang naturang batas ay magbibigay rin ng opsyon maliban sa cash payout para maabot ng pensyon ang target na benepisyaryo.

Kaugnay nito, inilapat din ng naaprubahang batas ang pagpapatupad, pamamahagi, at pamamahala ng social pension para sa mga senior citizen mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa loob ng hindi hihigit sa tatlong taon.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Samantala, ikinatuwa naman ni Senadora Grace Poe ang pagkakasabatas sa naturang panukala.

Aniya, ‘timely’ o napapanahon ang mga ganitong uri ng batas na siyang tutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mga nakatatanda sa bansa.(CLAY MARQUEZ)
#