Ilang mga Senador, nanindigang walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas

Nanindigan si Senador Bong Go na mayroong matibay at gumaganang demokrasya ang bansa at nananatiling independent ang ating mga Korte.

Ito ang naging reaksyon ng mambabatas sa gitna ng pagkumpirma ni Pangulong Bongbong Marcos na wala na itong balak pang bumalik sa hurisdiksyon ng International Criminal Court.

Ayon kay Go, sakali mang hayaang mag-imbestiga ang ICC, nilalabag nito ang kapangyarihan ng sarili nating mga Korte pati na rin ang soberanya ng ating bansa.

Paliwanag nito, malaya naman ang sinuman na magsampa ng kaso sa ating mga Korte basta’t mayroong sapat na ebidensya at naaayon sa batas.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Batid di naman aniya ni dating pangulong Rodrigo Duterte kung legal ba o hindi ang kanyang mga nagawa at tiwala itong wala siyang itinatago.

Samantala, wi-nelcome naman ni Senador Bato dela Rosa ang hakbang ni Marcos na hindi bumalik sa ICC.

Aniya, lalabas din naman ang katotohanan hinggil sa imbestigasyon ng kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang administrasyon ngunit ito ay sa local courts at hindi sa ICC.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Sinabi pa nitong handa siyang bitayin basta’t ang hahatol nito ay Filipino court.

Binatikos pa ng mambabatas na tila ay ‘obvious naman’ daw na ang target ng imbestigasyon ng ICC ay ang dating pangulo.

Dagdag pa ni dela Rosa, hindi sapat ang pagiging dati niyang PNP chief para masakdal siya sa kaso dahil wala naman daw siyang pinatay.

Matatandaang si dela Rosa ang dating hepe ng Pambansang Pulisya nang ilunsad ni Duterte ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga.
#