Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa probinsya ng Pampanga na gawin itong Christmas Capital ng Pilipinas.
Ayon kay Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Representative Aurelio Gonzales Jr., kilala ang kanilang lalawigan sa mga higanteng parol at mga christmas tree nito tuwing sasapit ang kapaskuhan.

Dagdag pa niya na makatutulong sa ekonomiya ang kanilang probinsya dahil sa dala nitong dagdag trabaho at dagdag kita para sa mga kabalen at karatig lugar.
Sabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang kapaskuhan sa Pilipinas ay ginagawang mas espesyal ng mga Kapampangan dahil sa ipinagmamalaki nitong tradisyon ng lantern-making.
Sa ilalim ng Panukalang batas, kasamang itatampok ang Pampanga ng Department of Tourism bilang Christmas Capital ng bansa sa kanilang national at regional promotion programs.