COMELEC, tutol sa certificate of registration requirement ng BIR para sa BSKE candidates

Maghahain ang Commission on Elections ng petisyon sa Bureau of Internal Revenue upang ipatigil ang obligasyon ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong taon na kumuha ng certificate of registration sa Bureau of Internal Revenue.

Sa pagsalang ng COMELEC sa plenary debates sa Kamara para sa proposed budget nito sa 2024, kinuwestyon ni House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza ang requirement ng BIR na aniya’y masyadong mabigat para sa BSKE candidates.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Iginiit ni Daza na tila ginagawang revenue generation activity ng gobyerno ang pagdaraos ng halalan lalo’t pinakaapektado ang SK candidates na karamihan ay mga mag-aaral pa lang.

Ang presumption umano ng BIR ay bubuhos ang financial donations mula sa mga supporter ng kandidato at subject sa donor’s tax.

Sinabi ng sponsor ng budget na si Surigao Del Norte Representative Francisco Matugas na tutol ang COMELEC sa naturang requirement kaya bukas ay ipe-petisyon nito sa BIR ang tax registration.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Dagdag pa ng interpellator, maaaring labag din sa Article 5 Section 1 ng Philippine Constitution ang hinihingi ng BIR na kasama sa attachments sa isusumiteng Statement of Contributions and Expenditures o SOCE ng mga kandidato.

Bubuo aniya ng action plan ang poll body laban sa COR requirement dahil hindi naman ito kasama sa kanilang hinihingi sa mga naghahain ng certificates of candidacy.