Naniniwala si dating Supreme Court associate justice Antonio Carpio na susubok sa territorial defense ng administrasyong Marcos ang magiging hakbang nito sa oil exploration sa Reed Bank.
Giit ni Carpio na mahalagang makuha agad ang langis mula sa Reed Bank lalo’t malapit na umanong maubos ang malampaya gas field na siyang pinagkukunan ng 40% ng energy requirement sa Luzon.
Ang Reed Bank o Recto Bank ay sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Inirekomenda rin ni Carpio sa pamahalaan na maglatag kasama ang China at Vietnam ng mga patakaran sa pangingisda sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc na tinuturing na common fishing ground ng tatlong bansa.
Mungkahi rin ni Carpio na humingi ng tulong at isama ang Amerika sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal.
