CAMARINES NORTE- Itinuturing na isang “welcome development” para sa mga opisyal ng Barangay lalo na sa mga Kapitan ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng fix na sweldo at benepisyo ang mga opisyal ng Barangay.
Gayunman, duda ang mga ito kung maaprobahan o maipapatupad agad dahil sa usapin ng budgetary requirement.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Liga ng mga Barangay President Jesus Salomon ng bayan ng Basud sinabi nito na dapat lang talaga na maging fix na ang sweldo at benepisyo ng mga opisyal ng Barangay.
Ayon kay Salomon na Punong Barangay ng San Pascual, malaki ang sakripisyo lalo na ng mga kapitan na halos 24/7 ang trabaho kaya marapat lamang umanong mabigyan ng sapat na sweldo.
Pero tulad ng iba pang mga opisyal ng Barangay ang tanong ni Salomon, saan kukunin ang budget para dito.
Aniya kung magiging dependent lang ang Barangay sa Internal Revenue Allotment (IRA) ay imposible umano itong mangyari lalo pa ngayong sa halip na madagdagan ay nabawasan pa.
“Ang problema ta diyan ang pondo lalo na ang satuyang munisipyo ay third class, medyo kung napapansin ta ngunian dakulang maray ang pinagbawas every barangay gurano na ang binawas na naman almost half million, ang munisipyo binawasan din mabawas na naman,” ani Salomon.
Ganito rin ang sentimyento ni Punong Barangay Salvador Bartolome ng Barangay Angas sa naturan pa ding bayan.
Aniya, kailangan talagang magkaroon sila ng fix na sweldo lalo’t nagpapaaral din naman sila ng anak.
May mga pagkakataopn daw kasing hindi maka- avail ng scholarship ang kanilang mga anak dahil lang sa anak ng Kapitan o Kagawad,
Pero tulad ni Salomon, naniniwala si Bartolome na kailangan pa ng ibayong pag- aaral kung saan kukunin ang pondo para maipasa at maipatupad ito.
“Maganda po yun para sa amin, unang una po talagang kailangan- kailangan po talaga ng barangay official yung kadagdagan pong pondo lalo na sa personel services namin dahil talagang kung tutuusin po talagang halos na mga pangangailanagn yung mga kontribusyon sa mga barangay ay kinukuha pa namin sa amin pong mga honorarium ay magkano lang po yun sa amin halos P3. 4 millionn po ang ira ng barangay ko ay ngayon po ay bumaba pa ng almost nasa half million,” ani Bartolome.
“Kaya po, yung ano po yung panukalang batas po yun ok lang yun kaya lang ang ibig kong sabihin po diyan kung maaari pag aralan po nila kung saan po nila pwedeng kunin yung karagdagan pong podno para po marating natin yung ating hinahangad na salary grade ng mga barangay officials.”
Kung maalala ay inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No 1114 na iniakda ni Congreswoman Josefina Tallado na naglalayong magkaroon ng fix na sweldo at benepisyo ang mga opisyal ng Barangay.
