CAMARINES NORTE- Bagamat nananatiling nasa low risk, bahagya namang nadagdagan ang mga naoospital o healthcare utilization rate sa Camarines Norte dahil sa COVID- 19.
Batay sa ulat ng Department of Health nitong Lunes sa 117 beds na inilaan for Covid 16 dito ang nagamit o katumbas ng 13. 7 percent utilization rate.
Mas mataas ito kumpara sa 9.04 percent utilization rate sa kaparehong panahon noong isang linggo.
Wala namang naitalang paggamit sa ICU beds at mechanical ventilator.
Umakyat naman sa walo ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan makaraang makapagtala ng walong panibagong kaso nitong Lunes.
Dahil dito umaabot na sa 4, 068 ang kabuuang kaso ng sakit na naitala simula noong March 2022 hanggang nitong July 16, 2022.
Nasa 3, 804 naman ang gumaling at 253 ang namatay dahil sa sakit.
Sa gitna ng unti- unti na namang pagtaas ng mga kaso ng sakit ay patuloy ang paalala ng DOH na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, social distancing at pagpapabakuna.
