LPA at habagat magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Patuloy na nakamonitor ang PAGASA sa isang Low Pressure Area (LPA) na huling namataan sa 95 km Northwest ng San Jose, Occidental Mindoro.

Maliban dito makaka-apekto din ang Southwest Monsoon o Habagat sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ang MIMAROPA, Western at Central Visayas, Zamboanga Peninsula, BARMM, Misamis Occidental, at Lanao del Norte ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA at Southwest Monsoon.

Dahil dito posible pa rin ang mga flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa Habagat at Localized Thunderstorms.