CAMARINES NORTE- Hindi biro ang pinagdadaanan ng mga dumudulog sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) makakuha lang ng tulong pinansiyal
Maaga pa lamang kanina ay mahaba na ang pila sa naturang tanggapan para maka- avail ng tulong sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Dagdag pasakit pa sa mga nakapila na ang iba ay matatanda ang nararanasang manaka- nakang pagbuhos ng ulan.
Isang babae naman ang dumulog sa Brigada News FM upang ibahagi ang hirap na kaniyang pinagdaanan.
Aniya, single parent siya at may anak pang Person with Disability (PWD)
Sobrang mas mahirap ang umano ang sistema ngayon dahil nilimitahan daw ng DSWD ang bilang ng mga makakatanggap ng tulong.
Kung dati raw ay hindi bababa sa 50 ang naseserbisyuhan kada araw ngayon umano ay nasa 30 lamang.
May mga pagkakataon din umano na may nag- aaway- away sa pila kaya apela niya sa DSWD na ayusin naman ang sistema.
Paliwanag naman ng DSWD may mga offsite payout umano silang ginagawa sa mga munisipyo kaya limited ang slot sa Provincial Office.
Kakaunti rin umano ang kanilang social workers para maserbisyuhan lahat.
Ginagawan naman daw ng paraaan ang problemang ito ng opisina para mapagaan ang hirap na pinagdadaanan ng mga humihingi ng tulong pero sa dami ng mga nangangailangan ay hindi kayang mapagbigyan lahat.
Sa katunayan madalas umanong inaabot ng gabi ang kanilang mga social worker para makapag serbisyo sa mga tao.
Mayroong schedule ang ahensiya ng pay- out sa mga munisipyo.
Kapag Lunes hanggang Martes ay sa first district, Miyerkules- Huwebes sa second district at ang Biyernes naman ay para sa iba pang referrals.
