LEGAZPI CITY – Pinaghahandaan na ng lokal na gobyerno ng Camalig sa Albay ang isasagwang panibagong motorcycle tourism event.
Konektado rito nagkaroon ng pulong sina Camalig Mayor Calo Baldo kasama si Albay Board Member and Committee Chairperson on Tourism Melissa Abadeza-Armedilla at Philippine Loop Adventure Tour’s Producer – Director David Geoffrey Tuting kung saan nakatakdang gawin ang naturang aktibidad sa Agosto 23, 24, at 25 ng kasalukuyang taon.
Ang nasabing motorcycle event ay tinatawag na “Albay Loop” kung saan inaasahan na halos ilang libo na motorcycle riders mula sa iba’t-ibang parte ng bansa, samantala layunin naman ng aktibidad na mas maipamalas ang mga magagandang tanawin sa buong rehiyong Bicol kasama na ang pagpapalakas ng turismo at ekonomiya