LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng reading glass ang nasa 200 residente mula sa bayan ng Daraga sa probinsya ng Albay.
Ito ay sa gitna ng isinagawang libreng eye check-up sa mga Barangay ng Pandan at Busay kung saan parte umano ito ng nagpapatuloy na paglapit ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa komunidad na may layuning makatulong, mas pabilisin at padaliin ang pag-avail ng bawat Daragueño sa serbisyo ng LGU dahil hindi na kailangan pang pumunta sa munisipyo.
Samantala, bukod pa rito, nagkaroon din sa aktibidad ng libreng legal consultation, medical at dental checkup, onsite job recruitment, livelihood training program, libreng PVC ID printing para sa mga senior citizen at iba pa.