Panibagong batch ng repatriated OFW mula Lebanon, nakauwi na ng Pilipinas

Siyam pang OFWs mula sa Lebanon ang nakauwi na ng Pilipinas ngayong araw.

Ang mga naturang OFW kabilang ang limang bata ay naipit sa tensyon sa kaguluhan sa Israel.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Ayon sa Department of Migrant Workers o DMW, ligtas na nakalapag ang commercial flight ng mga ito at sinalubong ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Tiniyak naman ng ahensiya ang tulong na ipagkakaloob sa kanila ng gobyerno.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ang mga Pilipinong repatriates ang ika-19 na batch na nakauwi sa Pilipinas mula sa nabanggit na bansa.

Sa kabuuan mayroon nang 111 OFWs ang nakauwi ng bansa galing sa Lebanon.