‘Laban lang.’
Ito ang naging pahayag ng drag artist na si Pura Luka Vega matapos ma-dismiss ang isa sa mga reklamong kinahaharap niya dahil sa kontorbersyal na drag performance ng Ama Namin remix.
Sa kaniyang X Post, sinabi ng drag artist na nagpapasalamat siya dahil nabasura na rin ang isa sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.
Sa post niya, makikitang nabasura ito dahil sa kakulangan ng probable cause.
Matatandaaang inaresto si Pura Luka Vega, o Amadeus Fernando Pagente noong October 5.
Dahil ito sa patung-patong na reklamong inihain ng iba’t ibang mga religous groups.
Bunsod din ng kanyang performance, idineklara itong persona non grata sa iba’t ibang bahagi ng bansa.